Hiniling ni Torres kay Justice Secretary Raul Gonzalez na sa halip na si Armamento, mas nais niyang si Chief State Prosecutor Jovencito Zuño ang maging prosecutor sa Nida Blanca murder case.
Ipinaliwanag pa ni Torres na una na niyang inanunsiyo sa pagdinig noong Agosto 11 sa Pasig City Regional Trial Court, Branch 160 na hindi na si Atty. Harriet Demetriou ang kanyang abogado subalit napag-alaman umano nito na patuloy pang nakikipag-ugnayan si Armamento sa nasabing abogado.
Nilinaw din ni Torres na nasira na ang kanyang tiwala kay Armamento kung kayat dapat na palitan na umano ito.
Matatandaang kamakailan ay unang sinibak ni Torres si Demetriou bilang abogado sa kontrobersiyal na Nida Blanca murder case. (Ludy Bermudo at Grace Amargo-dela Cruz)