Robbers on Wheels kumana sa Marikina
August 26, 2006 | 12:00am
Muling umiskor ang notoryus na grupo ng mga holdaper na tinaguriang "Robbers on Wheels" na pawang sakay ng isang Honda-CRV na walang kaukulang plaka nang sapilitang isakay ng mga una at tangayan ng mga ito ang isang call center agent ng mahigit sa P20,000 pera na kinabibilangan ng kanyang mamahaling cellular phone, kahapon ng umaga sa Marikina City.
Apat na mga kabataan na kinabibilangan ng isang babae at pawang mga anak mayaman umano ang nambiktima sa isang Rheena Carla Guguenia, residente ng Brgy. Sto. Nino, nabanggit na lungsod dakong alas-7:20, kahapon ng umaga.
Nabatid sa ulat ng pulisya na kasalukuyang naglalakad ang biktima sa kahabaan ng Sumulong Highway sa Brgy. Sto. Nino at kawi-withdraw lamang umano ng naturang halaga sa isang ATM sa nabanggit na lugar nang biglang huminto sa kanyang tapat ang mga suspect na sakay ng walang plaka na Honda-CRV.
Sapilitang isinakay umano ang biktima ng mga suspect at habang tumatakbo ang kanilang kinalulunan na sasakyan ay pinagtulungang kulimbatin ng mga suspect ang kanyang pera at cellular phone.
Matapos na kulimbatin ng mga suspect ang pera at cellular phone ng biktima ay saka lamang ibinaba ng mga una ang huli sa gilid ng isang madilim na kalsada.
Inilalarawan naman ng biktima ang mga suspect na mga makikinis ang balat, mukhang mga estudyante at mga anak mayaman.
Isang masusing imbestigasyon ang kasalukuyang isinasagawa ng pulisya hinggil sa nasabing insidente upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspect para sa agarang pag-aresto sa mga ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended