^

Metro

Mister naglaslas na, nagbigti pa

-
Naglaslas na ng pulso ay nagbigti pa ang isang mister dahil sa labis na pagkasiphayo umano nito nang mabigong matanggap sa inaaplayang trabaho sa abroad, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Nakabitin pa sa kisame nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Pablo Mendoza Jr., ng Rodriguez compound, Brgy. Rosario, nabanggit na lungsod.

Batay sa ulat ng pulisya, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-8 ng gabi na nakabitin sa kisame ng kanyang kuwarto.

Nag-ugat ang pagkakadiskubre sa bangkay ng biktima makaraang mapansin ng mga kapitbahay ng una na gabi na ay wala pa ring ilaw sa kuwartong tinutuluyan nito kaya naisip nilang silipin ang loob ng kuwarto at doon na nadiskubre ang pagpapakamatay ng una.

Agad na itinawag ng mga kapitbahay sa pulisya ang nasabing insidente.

Lumalabas naman sa isinagawang ocular inspection ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na bago nagbigti ang biktima ay naglaslas muna umano ito ng kanyang pulso.

May hinala naman ang pulisya na bukod sa problema ng biktima sa pakikipaghiwalay sa kanya ng kanyang misis ay labis itong nakaranas ng depresyon dahil sa pagkabigong matanggap sa inaaplayang trabaho sa abroad.

Agad namang dinala sa PNP crime laboratory ang bangkay ng biktima upang isailalim sa autopsy at matiyak na walang naganap na foul-play sa nasabing insidente. (Edwin Balasa)

vuukle comment

BATAY

BIKTIMA

BRGY

EDWIN BALASA

LUMALABAS

NAGLASLAS

NAKABITIN

PABLO MENDOZA JR.

PASIG CITY

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with