^

Metro

Informer dedo, 1 pa kritikal sa ‘hired killer’

-
Sabog ang mukha ng isang informer ng pulisya, habang kritikal naman sa pagamutan ang kumpare nito makaraang kapwa pagbabarilin ang mga ito ng isang hindi nakikilalang gunman, kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Namatay noon din si Manolito Navarro, 31, residente ng 52 T. Santiago St., Canumay West, nabanggit na lungsod sanhi ng tama sa mukha mula sa bala ng .45 kalibre ng baril.

Kasalukuyan namang ginagamot sa Valenzuela City General Hospital ang kumpare at kapitbahay ng nasawi na si Gregorio Morales, 30-anyos sanhi ng mga tama sa iba’t ibang parte ng katawan.

Batay sa nakalap na impormasyon mula kay P/Supt Billy Beltran, hepe ng Valenzuela City Police, dakong alas-9:45 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa loob ng bahay ni Navarro.

Kasalukuyan umanong nakaupo ang nasawi sa loob ng bahay nito nang biglang dumating ang isang naka-motorsiklong gunman at pinasok ang biktima at pinagbabaril ito.

Nang marinig naman ni Morales ang mga putok ay agad itong tumungo sa bahay ng nasawi upang saklolohan sana subalit maging siya ay pinagbabaril din ng suspect dahilan upang malubhang masugatan ito.

May hinala ang pulisya na isang "hired killer" ang tumira sa nasawi at posibleng may kinalaman din umano sa nasabing insidente ang pagiging asset nito ng pulisya. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

CANUMAY WEST

GREGORIO MORALES

KASALUKUYAN

MANOLITO NAVARRO

ROSE TAMAYO-TESORO

SANTIAGO ST.

SUPT BILLY BELTRAN

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY GENERAL HOSPITAL

VALENZUELA CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with