Abogado ng unyon ng Purefoods, tinodas
August 25, 2006 | 12:00am
Isang abogado ng Nagkakaisang Samahan ng Purefoods Hormell Marikina ang binaril at napaslang ng isang "self-confessed" na miyembro ng Alex Boncayao Brigade (ABB) sa loob ng isang food chain, kahapon ng hapon sa Quezon City.
Kinilala ang biktima na si Atty. Rodolfo Duenas Paglinawan, 59-anyos at residente ng 5 Linoc St., BF Resort Villas, Las Piñas City.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-3:30 kahapon ng hapon nang mangyari ang insidente sa loob ng Tropical Hut sa Gen. Romulo Avenue, Araneta Center, Cubao, nabanggit na lungsod.
Batay sa salaysay ng mga crew, kasalukuyang nakatayo ang biktima sa loob ng nasabing food chain habang hinihintay nito ang kanyang order nang biglang lumapit sa kanya ang suspect na may bitbit na .45 kalibre ng baril at agad siyang pinagbabaril nito.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nagtamo ang biktima ng mga tama sa teynga at isa sa likurang bahagi ng kanyang ulo, sanhi upang agaran itong masawi.
Matapos ang pamamaril sa biktima ay agad namang tumakas ang suspect subalit dahil sa mabilis na pagresponde ng mga traffic enforcer ng Araneta ay agad namang nasukol ito.
Napag-alaman sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya na ang nasabing gunman ay kinilalang si Jeff Ropanan alyas "Ka Vince" na nagpakilalang miyembro ng ABB.
Agad namang dinala ang nasabing suspect sa Criminal Investigation Unit (CIU) ng Camp Karingal para sa karagdagang interogasyon upang alamin kung ano ang motibo nito sa pamamaslang sa biktima.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended