Iniutos ni Gonzales sa kanyang konseho at kay City Engineer Conrad Atencio ang paggawa ng nasabing ordinansa sa paglalagay ng tamang sukat ng mga billboards na inilalagay sa lungsod. Matatandaang noong Linggo ng madaling-araw ay bumagsak ang isang malaking billboard na may laking 24x12 meters sa kanto ng EDSA at Boni dahil sa lakas ng hangin na ikinasira ng bubungan ng Metro Rail Transit (MRT) Boni station at ikinaputol ng kuryente sa lugar.
Lumikha rin ng matinding trapiko ang nasabing insidente dahil hapon na naalis ang bumagsak na billboard.
Samantala, nakatakda nang konsultahin ng lokal na pamahalaang lungsod ang ibat ibang advertising companies upang makuha ang kanilang opinyon sa gagawing ordinansa. (Edwin Balasa)