^

Metro

Paglagay ng tamang sukat sa mga billboards sa Mandaluyong iniutos

-
Matapos ang pagbagsak ng isang malaking billboard sa lungsod ng Mandaluyong noong Linggo ay ipinag-utos ni Mayor Neptali Gonzales II ang paggawa ng isang ordinansa na nagre-regulate ng tamang sukat ng mga commercial ads na inilalagay sa nasabing lungsod.

Iniutos ni Gonzales sa kanyang konseho at kay City Engineer Conrad Atencio ang paggawa ng nasabing ordinansa sa paglalagay ng tamang sukat ng mga billboards na inilalagay sa lungsod. Matatandaang noong Linggo ng madaling-araw ay bumagsak ang isang malaking billboard na may laking 24x12 meters sa kanto ng EDSA at Boni dahil sa lakas ng hangin na ikinasira ng bubungan ng Metro Rail Transit (MRT) Boni station at ikinaputol ng kuryente sa lugar.

Lumikha rin ng matinding trapiko ang nasabing insidente dahil hapon na naalis ang bumagsak na billboard.

Samantala, nakatakda nang konsultahin ng lokal na pamahalaang lungsod ang iba’t ibang advertising companies upang makuha ang kanilang opinyon sa gagawing ordinansa. (Edwin Balasa)

BONI

CITY ENGINEER CONRAD ATENCIO

EDWIN BALASA

GONZALES

INIUTOS

LINGGO

LUMIKHA

MANDALUYONG

MAYOR NEPTALI GONZALES

METRO RAIL TRANSIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with