Panibagong warrant of arrest vs Eli Soriano inilabas
August 23, 2006 | 12:00am
Panibagong warrant of arrest ang inilabas laban kay Ang Dating Daan leader Eliseo Eli Soriano kaugnay sa kasong libelo na isinampa dito ng dalawang grupo ng mga Muslim sa lungsod ng Quezon.
Ang panibagong warrant laban kay Soriano ay ipinalabas kahapon ni Judge Vivencio Baclig, ng Quezon City Regional Trial Court.
Si Soriano ay idinemanda ng kasong libelo sa Quezon City Prosecutors Office noong Pebrero 21, 2005 ng dalawang komunidad ng mga Muslim sa QC. Tumatayong complainants sina Haji Mokhiar Mike Sujail ng Brgy. Culiat at Adbulaziz Salem lider sa North Fairview dahil sa tahasang paninirang-puri at maling paratang sa lahat ng Muslims at maging sa kinikilala nilang propeta na si Muhammad.
Si Soriano na residente ng ADD Convention Center sa San Vicente, Apalit, Pampanga ay sinasabing matagal-tagal nang nasa labas ng bansa, kaugnay ng mga kinakaharap nitong kaso rito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended