^

Metro

Binata nagkagutay-gutay sa taga

-
Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang 24-anyos na binata makaraang magkagutay-gutay ang katawan at halos matagpas ang ulo nito matapos na pagtatagain at pagbabarilin ng isang magtiyuhin, kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Nakilala ang nasawing biktima na si Eduardo Paul Agatarap, ng Purok La Loma, ng nabanggit na lungsod. Isang manhunt operation naman ang isinasagawa ng pulisya laban sa mga suspect na sina Jonathan del Mundo at tiyuhin nito na kinilala lamang sa pangalang Nilo na kapwa mga kapitbahay ng biktima.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:20 ng umaga nang maganap ang nasabing krimen, ilang metro lamang ang layo mula sa bahay ng biktima.

Nabatid na kasalukuyang nagka-cara y cruz ang biktima kasama ang ilang kaibigan nang biglang dumating si del Mundo na may dalang bolo.

Hindi na nakatayo pa ang biktima nang sunud-sunod na pagtatagain ng suspect, sa puntong ito lumapit din ang suspect na si Nilo at saka ilang beses na pinaputukan sa ulo ang biktima.

Matapos ang isinagawang krimen ay mabilis na tumakas ang mag-tiyo.

Ayon sa pulisya, posibleng paghihiganti ang motibo ng mga suspect sa isinagawang krimen. Nabatid na ilang araw bago ito ay unang sinaksak ng biktima ang suspect na si del Mundo. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

AYON

BATAY

BIKTIMA

CALOOCAN CITY

EDUARDO PAUL AGATARAP

MUNDO

NABATID

NILO

PUROK LA LOMA

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with