Pangulo ng transport group dinedo habang nagmamaneho
August 23, 2006 | 12:00am
Sumabog ang ulo ng pangulo ng isang transport group makaraang barilin sa sentido ng hindi nakilalang lalaki habang ito ay namamasada ng jeep, kahapon ng umaga sa Pasay City.
Nakalugmok sa drivers seat ng minamanehong sasakyan ang biktima na nakilalang si Ambrocio Paler, 44, presidente ng Samahan ng mga Operator at Driver Alliance (MJODA) ng # 2177 P. Binay St., Bangkal, Makati City.
Sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Allan Valdez ng Criminal Investigation Division (CID) Pasay City police, dakong alas-6 ng umaga nang maganap ang insidente sa Buendia Avenue, panulukan ng Harrison St., Brgy. 23, Zone 21, Pasay City.
Nabatid na kasalukuyan umanong lulan ng jeepney na may plakang PPA-129 na may biyaheng Evangelista at Libertad ang biktima nang barilin ng armadong lalaki na nagpanggap na pasahero nito.
Ayon sa ilang pasahero ni Paler, sumakay ang suspect sa Libertad at umupo sa unahan, katabi nito.
Makalipas ang ilang minuto, pagdating sa Buendia, habang nakahinto ang jeep at naghihintay na pasahero, bigla na lang itong binaril sa sentido ng katabing pasahero.
Kaagad tumalon ng jeep at tumakas ang suspect dala ang hindi pa batid na kalibre ng baril na ginamit sa pamamaslang sa biktima.
Sinabi ni Romy Hernandez, secretary at kaibigan ng biktima, maraming kagalit si Paler mula nang maging pangulo ng nasabing transport group. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 18, 2024 - 12:00am