^

Metro

Domestic workers, out-of-school youth sa QC Alternative Learning scheme

-
Ang mga domestic workers at mga out-of-school youth na residente ng Quezon City ang unang makikinabang sa QC’s Alternative Learning System Accreditation and Equivalency Program sa ilalim ng Kasambahay Program ng QC government.

Ang naturang programa ay laan sa mga nabanggit na nais na makapagtapos sa kanilang pag-aaral sa elementarya at sekondarya upang makatulong sa kanila na maging isang produktibong mamamayan ng lungsod.

Ang programang ito ay batay sa panukalang ordinansa ni QC Councilor Francisco Calalay Jr. bilang isang alternatibong paraan na makapagtapos ng pag-aaral ang mga nabanggit na taga-lungsod na may edad 15 pataas.

Sinusuportahan naman ni QC Mayor Feliciano "Sonny" Belmonte ang agarang pagpasa nito sa konseho upang mabigyan ng karagdagang programa ang lokal na pamahalaan at tuloy higit na mapahusay ang kabuhayan ng mga magbebenepisyo sa naturang programa. Ilang instructional managers ang naatasang mangasiwa sa implementasyon ng naturang programa kapag naaprubahan na ito ng Konseho. (Angie dela Cruz)

ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM ACCREDITATION AND EQUIVALENCY PROGRAM

ANGIE

BELMONTE

COUNCILOR FRANCISCO CALALAY JR.

CRUZ

ILANG

KASAMBAHAY PROGRAM

KONSEHO

MAYOR FELICIANO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with