^

Metro

Fish trader niratrat, 1 gunman dedo

-
Tadtad ng bala ang katawan ng isang 55-anyos na fish trader na nasawi noon din mismo sa pinangyarihan ng insidente nang pagbabarilin ito ng dalawang pinaniniwalaang "hired killers", kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon Police chief P/S Supt. Moises Guevarra, ang biktimang si Pablito Dionisio, may-ari ng Turing Fish Consignacion at residente ng 123 P. Kadornika St., Navotas.

Dead-on-the spot din ang isa sa mga gunman ni Dionisio na kinilalang si Ronnie Sueno, 30-anyos at residente ng Ilang-ilang St., Tanza, Navotas, habang ikinasa na ng pulisya ang manhunt operation laban sa isa pang gunman na mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Kasalukuyan namang ginagamot sa Chinese General Hospital si SPO4 Leopoldo Reyes, ng Malabon City Police makaraang magtamo ito ng mga tama ng bala ng .357 revolver buhat sa mga suspect.

Sa panayam kay Northern Police District (NPD) director P/C Supt. Leopoldo Bataoil, dakong alas-3:30 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente sa Malabon Fish Market na matatagpuan sa F. Sevilla Blvd., Brgy. Tañong, Malabon City.

Nabatid na kasalukuyang nag-aasikaso si Dionisio ng kanyang mga customer nang bigla na lamang itong pagbabarilin ng malapitan ng dalawang gunman sanhi upang agarang masawi ang una.

Nang maispatan naman ng noon ay nagpapatrulyang si SPO4 Reyes ang nasabing insidente ay agad na rumesponde ito at nang papalapit na siya sa crime scene ay agad siyang sinalubong ng putok ng mga gunman ni Dionisio.

Hindi naman nagdalawang-isip pa na makipagpalitan ng putok si SPO4 Reyes sa mga gunman at matapos ang ilang segundong putukan ay nakitang duguan at walang buhay na nakabulagta ang gunman na si Sueno, habang sugatan naman si SPO4 Reyes na nagtamo ng mga tama sa dibdib, braso at paa nito.

Sa gitna ng senaryo ay nagawa namang makatakas ng kasamahang gunman ni Sueno.

"Business rivalry" naman ang motibong tinututukan ngayon ng pulisya sa pamamaslang sa biktima.

Ayon naman kay Bataoil, nakatakdang gawaran ng kaukulang parangal si SPO4 Reyes dahil sa katapangan at kagitingang ipinakita nito sa itensyong isalba sana ang buhay ng biktima laban sa mga gunman nito at walang pag-atubiling pakikipaglaban nito ng nag-iisa laban sa mga huli.

Nakatakda namang ilabas ng NPD anumang oras ang artist sketch ng nakatakas na gunman na kinilala mismo ni SPO4 Reyes at ng ilang mga nakasaksi sa nasabing insidente.

Isang masusing imbestigasyon din ang isinasagawa upang alamin kung sino ang utak sa pamamaslang kay Dionisio. (Rose Tamayo-Tesoro)

C SUPT

CHINESE GENERAL HOSPITAL

DIONISIO

GUNMAN

KADORNIKA ST.

LEOPOLDO BATAOIL

LEOPOLDO REYES

MALABON CITY

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with