Kinilala ang mga inaresto na sina Len de Guzman, Mae Martin, Jojo Veloso, Cristina Umali, Peter James Sandoval, Gemma Ramos, Rheena Flores, Den Coro at Carlo Cervantes.
Dakong alas-12:15 nang magtipun-tipon sa nasabing lugar ang mga inaresto at mga kasamahan nito na ayon pa kay P/Supt. Rodolfo Miranda ay lumabag sa Batas Pambansa 880 o illegal assembly act matapos na mapag-alaman na walang permiso ang kanilang isinagawang rally, bukod pa sa nilabag din umano ng mga ito ang ordinansa ng Maynila at obstruction sa lansangan.
Nabatid na ang nasabing pagra-rally ng militanteng grupo sa tapat ng US Embassy ay bilang pagpapakita ng pagkondena sa all-out war ng Amerika laban sa terorismo.
Nangangamba umano ang mga militante sa negatibong implikasyon ng nasabing polisiya sa mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas. (Gemma Amargo-Garcia)