^

Metro

Roldan, nahirapang makahanap ng abogado

-
Muling humingi ng karagdagang 10-araw sa korte ang aktor at dating Quezon City Congressman na si Dennis Roldan upang makahanap ng kanyang abogado matapos na mahirapan itong makahanap ng magtatanggol sa kanya sa kinakaharap nitong kidnapping case.

"I really find difficulty in looking for a new counsel equally skilled, competent, and trustworthy as that of my previous counsels," saad ni Roldan sa kanyang isinumiteng formal request sa Pasig Regional Trial Court, Branch 261 sa sala ni Judge Agnes Reyes Carpio.

Sa kanyang 4-pahinang mosyon, sa kabila ng pagbibigay taning na 10-araw sa kanya ng korte na magtatapos ng Agosto 18 upang kumuha ng kanyang abogado ay muli itong humingi ng karagdagang 10-araw na magtatapos sa Agosto 28.

Matatandaang anim na araw matapos na payagang makapagpiyansa sa kinakaharap na kasong kidnapping sa halagang P500,000 na iginawad ni Judge Carpio ay kusang nilayasan si Roldan, Mitchell Gumabao sa tunay na buhay ng kanyang mga de kalibreng abogado na sina Attys. Segfried Fortun at Carl Arian Castillo.

Hindi naman ipinaliwanag ng dalawang abogado kung bakit nila nilayasan si Roldan.

Si Roldan ay nadidiin bilang mastermind sa pagdukot sa 3-anyos na batang Tsinoy noong Pebrero 9, 2005 sa Ortigas, Pasig City kasama ang iba pa na kasalukuyang nakapiit sa Pasig City Jail matapos na hindi payagan ng korte ang mosyon ng mga ito na makapagpiyansa rin sa nasabing kasong kinakaharap. (Edwin Balasa)

AGOSTO

CARL ARIAN CASTILLO

DENNIS ROLDAN

EDWIN BALASA

JUDGE AGNES REYES CARPIO

JUDGE CARPIO

MITCHELL GUMABAO

PASIG CITY

PASIG CITY JAIL

PASIG REGIONAL TRIAL COURT

ROLDAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with