Manhunt sa suspects na umambus sa mediaman
August 17, 2006 | 12:00am
Nagpalabas na kahapon ang Northern Police District (NPD) ng artist sketch laban sa mga suspect na sangkot sa pananambang sa mediaman na si Rogelio "Ka Popoy" Panizal. Mismong ang biktimang si Panizal, 52, ng pahayagang Tiktik ang kumilala sa bumaril sa kanya na si George de Jesus, alyas Boy Demonyo at kapatid nitong si Jojie de Jesus. Magugunitang sugatan sa naturang insidente si Panizal na naganap noong Lunes dakong alas- 5:30 ng umaga. Samantala bigo pa rin ang NPD Task Force Usig na malambat ang mga suspect sa kabila na walang humpay at pinalawak na hot pursuit operation laban sa mga ito. Kaugnay nito, umapela naman sa kinauukulan ang mga mamamahayag sa CAMANAVA area na bigyan ng hustisya ang mga kasamahang biktima at iharap sa batas ang tunay na salarin ng mga ito. Huwag na umanong hintayin ng mga kinauukulan na bansagang "danger zone" sa mga media ang CAMANAVA area kung kayat tuldukan na ang pananambang at pamamaslang na nagaganap dito laban sa mga mediamen. (Rose Tamayo-Tesoro)
Isang notoryus na "rookie cop" ng Caloocan City Police ang inaresto kahapon ng umaga ng mga kagawad ng Northern Police District-District Intelligence and Investigation Division (NPD-DIID) dahil sa patung-patong na kaso na kinasasangkutan nito. Kinilala ang suspect na si PO1 Rogelio R. Tizon Jr., jailer ng Caloocan City Police at residente ng Phase 1-A, Kaunlaran Village, Navotas. Unang pinatawag kahapon ng umaga ng NPD-DIID sa NPD headquarters si Tizon upang imbestigahan sa reklamo ng apat na mga complainants na kinabibilangan ng isang Lorna Mitra na pawang mga residente ng 222 Int. 13, Libis, Espina St., Caloocan City sa kasong robbery extortion laban dito. Tuluyang pinosasan ng mga kagawad ng NPD-DIID si Tizon dakong alas-11 ng umaga nang mapatunayan ang reklamo ng mga complainants laban sa kanya. Nabatid na inaresto umano ni Tizon sina Mitra dahil sa pag-iingat ng isang pakete ng shabu at umanoy pinakawalan matapos na maibigay ang P1,000 na hiningi ng una sa mga huli noong May 11, 2006. Nang tanungin ng NPD-DIID kung nasaan ang nasabing ebidensiya ay agad na ipinakita ni Tizon sa mga opisyal ang isang pakete ng shabu at dahil dito ay agad siyang pinosasan. Napag-alaman pa na may pending administrative case din si Tizon sa PLEB sa kasong misconduct na isinampa laban sa kanya mismo ni Navotas Mayor Toby Tiangco at hinihintay na lamang umano ang resolusyon ng nasabing kaso. Nahaharap din ngayon sa mga kasong paglabag sa R.A. 9155 at Administrative Case ng 2 counts of grave misconduct si Tizon. (Rose Tamayo-Tesoro)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended