^

Metro

7-buwang sanggol bugbog-sarado sa yaya

-
Inaresto ng pulisya ang isang 22-anyos na yaya matapos na gulpihin ang inaalagaan nitong pitong-buwang sanggol na babae habang nasa impluwensiya ng alak, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang suspect na si Nancy del Mundo, nanunuluyan sa bahay ng kanyang amo sa Area A Gate 1, Parola Compound, Tondo.

Sa ulat ng Delpan Police Community Precinct ng MPD-Station 2, nagsumbong sa kanilang tanggapan ang mga kapitbahay dakong alas-8 ng gabi dahil sa nasaksihang pagmamalupit ng suspect sa sanggol na si Baby Rose.

Ayon sa mga saksi, dahil sa hindi mapatahan sa pag-iyak ang sanggol, nakita nilang pinagsasampal ito ng napipikong yaya. Bukod dito, nasaksihan din nilang iniuntog pa ang ulo ng bata sa pader ng kanilang bahay.

Hindi naman nag-aksaya ng panahon ang mga pulis na agad na rumesponde kung saan nasaksihan din nila ang kaawa-awang kalagayan ng sanggol. Bukod sa mga pasa, nakitaan din ito ng mga kalmot sa katawan.

Sa presinto, itinanggi ng suspect ang pananakit niya sa sanggol at sinabing nalaglag lang ito sa kuna. Ngunit napansin naman ng mga pulis na nasa impluwensiya ito ng alak. Nabatid na inarkila bilang yaya ng ina ng sanggol ang suspect na isang single parent at nagtatrabaho sa Makati City. Sa halip na pagkalinga ay pagmamalupit ang dinanas ng paslit sa kamay ng naturang yaya.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban dito. (Danilo Garcia)

vuukle comment

AREA A GATE

AYON

BABY ROSE

BUKOD

DANILO GARCIA

DELPAN POLICE COMMUNITY PRECINCT

INARESTO

INIHAHANDA

MAKATI CITY

PAROLA COMPOUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with