^

Metro

Parak ginulpi na, binoga pa, binagsakan pa ng LPG sa mukha

-
Pinagtulungan munang gulpihin, pagkatapos ay pinagbabaril at saka binagsakan pa ng tangke ng LPG sa mukha hanggang sa mapatay ang isang pulis ng apat na kalalakihan matapos itong umawat sa isang kaguluhan na kinasasangkutan ng mga suspect, kahapon ng madaling-araw sa Makati City.

Namatay noon din ang biktimang si SPO1 Orlando de Leon, 48, nakatalaga sa Police Community Precinct 3 ng Makati City Police.

Nadakip naman sa isinagawang follow-up operation ang mga suspect na nakilalang sina Romeo de Castro, 26; kapatid nitong si Ricky, 31; magkapatid pa ring sina Randolf, 18; at Rolando Pabanil, 19, pawang mga car wash boy at naninirahan sa Estella St., Brgy. Bangkal ng nabanggit na lungsod.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-3 ng madaling-araw sa panulukan ng Apolinario at Estrella Sts., Brgy. Bangkal sa nabanggit na lungsod. Nabatid na katatapos lamang mag-duty ng biktima at pauwi na ito sa kanilang bahay nang mamataan ang kaguluhan ng grupo ng mga kalalakihan na kinasasangkutan ng mga suspect.

Dahil sa tawag ng tungkulin napilitan pang umawat ng parak sa kaguluhan, subalit siya ang pinagbalingan ng mga suspect.

Una itong pinagtulungang gulpihin at nang bumagsak sa semento ay inagaw ng suspect na si Romeo ang baril nito at saka binaril ang biktima. At para masigurong patay na ang biktima kumuha pa ang mga suspect ng isang tangke ng LPG at saka ibinagsak sa mukha ng parak bago nagsitakas.

Unang nadakip si Romeo na itinuturing na lider ng grupo sa isinagawang operasyon sa Bicutan, Taguig City, samantalang ang tatlo ay sa Estrella St. sa Makati City. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BANGKAL

BRGY

ESTELLA ST.

ESTRELLA ST.

ESTRELLA STS

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

POLICE COMMUNITY PRECINCT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with