^

Metro

3 holdaper ng internet café, timbog

-
Bumagsak na sa kamay ng batas ang tatlong suspect sa panghoholdap ng isang internet shop matapos na magsagawa ng follow-up operation ang mga kagawad ng Marikina police sa hide-out ng mga ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasakoteng suspect na sina Troy Billo, 33; Richienel Anghag, 29; at Rhoel Pepito, 39, pawang mga residente ng Kalamansi St., Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Ayon kay Supt. Sotero Ramos Jr., hepe ng Marikina police, nagsagawa sila ng follow-up operation dakong alas-10 ng gabi kamakalawa matapos na makatanggap ng impormasyon na sa nasabing bahay sa Quezon City nagtatago ang mga suspect na nangholdap sa White Dot Computer shop sa kahabaan ng J.P. Rizal St., Brgy. Sta. Elena, ng lungsod na ito na tumangay sa mga cellphone ng limang customer at kinita ng nasabing café.

Ang insidente ng holdapan ay nakuha naman ng buo ng close circuit camera na nakalagay sa nasabing internet shop kaya namukhaan ang mga suspect.

Narekober sa mga ito ang dalawang mamahaling cellphone, 2 kalibre .38 baril na ginamit sa panghoholdap at isang granada habang hindi na nakuha ang ibang gamit at pera ng kanilang biniktima. (Edwin Balasa)

BRGY

EDWIN BALASA

KALAMANSI ST.

PASONG TAMO

QUEZON CITY

RHOEL PEPITO

RICHIENEL ANGHAG

RIZAL ST.

SOTERO RAMOS JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with