^

Metro

Maid lasog ,tumalon mula ika-4 na palapag ng gusali

-
Palaisipan ngayon sa mga awtoridad ang motibo sa pagpapakamatay ng isang katulong matapos na tumalon mula sa ikaapat na palapag ng tinitirhang gusali, kahapon ng madaling araw sa Sta. Mesa, Maynila.

Nakilala ang nasawi sa pangalang Leonor, nasa pagitan ng edad na 38-40 anyos, dalaga, tubong Iloilo City.

Sa ulat ng MPD-Homicide Section naganap ang insidente dakong alas-4:20 ng madaling-araw sa harapan ng GSIS Metro Homes sa Phase 3 ng Anonas St., Sta. Mesa.

Ayon sa mga amo ni Leonor na sina Catherin at Mary Grace de Castro, bago ang isinagawa nitong pagpapakamatay ay kinausap pa sila nito at humingi ng tawad sa lahat ng kasalanan na kanyang nagawa,

Nagtataka naman umano sila dahil wala naman silang maalala na kasalanan na nagawa ang katulong. Dakong alas-4 ng madaling-araw nang maulinigan ng isa sa kanila ang pagbukas ng bakal na gate ng kanilang unit ngunit hindi na ito pinansin dahil sa sobrang antok.

Nabulabog na lamang ang kanilang pagtulog nang umugong ang balita na may isang babae na tumalon sa ikaapat na palapag ng gusali.

Dito nila nakilala ang biktima na tumalon.

Hindi pa malinaw kung ano ang posibleng dahilan sa pagpapakamatay ng katulong, gayunman masusing imbestigasyon pa rin ang isasagawa para alamin kung may naganap na foul play sa insidente. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ANONAS ST.

AYON

CATHERIN

DAKONG

DANILO GARCIA

HOMICIDE SECTION

ILOILO CITY

LEONOR

MARY GRACE

METRO HOMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with