^

Metro

Habambuhay sa killers ng DFA assistant secretary

-
Habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol ng korte laban sa tatlong akusado na responsable sa pagnanakaw at pagpatay kay Dept. of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Alicia Ramos noong nakaraang taon sa Makati City.

Sa 31-pahinang desisyon ni Judge Ma. Cristina Cornejo, ng Branch 147 ng Makati City Regional Trial Court, kinilala ang mga akusadong sina Roberto Lumague na sinasabing "utak" sa pagpatay; Joel Ablay at Jun Maricar na hinatulan ng "in absentia".

Pinawalang-sala naman si Michael Cenil dahil walang makitang sapat na ebidensiya ang korte laban dito.

Bukod sa habambuhay na pagkabilanggo, pinagbabayad din ng hukuman ang mga akusado ng halagang tig-P.2-M bilang danyos perwisyo sa kanilang ginawang krimen.

Base sa rekord ng korte, naganap ang insidente noong Abril 24, 2005, dakong alas-5 ng hapon mismo sa loob ng bahay ng biktima sa 352 Boyle St. Brgy. Palanan, Makati City.

Natagpuan sa loob ng bahay ang bangkay ni Ramos na nakatali pa ang mga paa at mga kamay at may pasak pang tuwalya sa bibig.

Base sa isinumiteng ebidensiya sa korte laban sa mga akusado, napatunayan na nagkasala ang mga ito. Sina Lumague at Ablay ay agad na dinala sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa, samantalang patuloy na pinaghahanap si Maricar. (Lordeth Bonilla)

ASSISTANT SECRETARY ALICIA RAMOS

BOYLE ST. BRGY

CRISTINA CORNEJO

FOREIGN AFFAIRS

JOEL ABLAY

JUDGE MA

JUN MARICAR

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY REGIONAL TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with