Love triangle: Seaman inatado ng karibal
August 14, 2006 | 12:00am
Nasawi ang isang 27-anyos na seaman makaraang pagsasaksakin ito ng kanyang karibal na may matinding pagnanais sa kanyang nobya, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.
Namatay habang ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan ang biktimang si Angelo Jacob, residente ng Block 40, Lot 17, Phase 3E-2, Kaunlaran Village, Malabon City.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspect na si Wilmer Caparoso at umanoy mga kasabwat nito na sina Peter Miniares at alyas Chodie na pawang mga residente ng Block 28, Phase 3F-1, Brgy. 14, Dagat-dagatan, Caloocan City.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ni SPO2 Roland Mendoza, may hawak ng kaso, dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang mangyari ang nasabing krimen sa Tulingan St., panulukan ng Dagat-dagatan Avenue, Caloocan City.
Sa salaysay ni Hazel Briones, nobya ng biktima, kasalukuyan silang naglalakad sa nabanggit na lugar nang bigla silang daluhungin ng suspect at pinagsasaksak ang huli, habang nakamasid naman ang dalawang nabanggit na kasamahan ng suspect. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest