^

Metro

653 kaso ng dengue sa Quezon City naitala

-
Umaabot na sa 25 katao ang namatay sa sakit na dengue mula sa 653 kaso na naitala ng Quezon City Health Department buhat Enero hanggang Agosto 10 ng taong kasalukuyan sa nabanggit na lungsod.

Ito ang inihayag ni Dra. Antonieta Enumerable, chief ng health department ng QC hall, kasabay nang pagsasabing matinding information campaign ang kanilang isinasagawa sa may 142 barangay upang paalalahanan ang kahalagahan ng kalinisan sa bawat tahanan at bakuran para maiwasan ang naturang nakamamatay na sakit.

Binanggit pa nito, na pitong barangay ang sinasabing hotspots sa dengue na ito ay kanilang tinututukan. Ito ay ang Barangay Sta. Monica, Tatalon, Manresa, Batasan Hills, Holy Spirit, Commonwealth at Payatas. Sa mga barangay na ito umano nakapagtala ng mataas na kaso ng dengue.

Anya, kung higit na pag-iingat ang gagawin ng bawat mamamayan at maipapatupad ang lubusang kalinisan ay walang kaso ng dengue ang lilitaw sa isang lugar.

Ilang sintomas ng dengue ay ang mataas na lagnat sa loob ng apat na araw, pananakit ng ulo, nagsusuka, masakit ang tiyan at may nakikitang rashes sa katawan. (Angie dela Cruz)

AGOSTO

ANGIE

ANTONIETA ENUMERABLE

ANYA

BARANGAY STA

BATASAN HILLS

BINANGGIT

HOLY SPIRIT

QUEZON CITY HEALTH DEPARTMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with