^

Metro

Mister binoga ni misis, patay

-
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng kanyang misis ang isang 49-anyos na mister matapos itong mahuli sa akto na hubo’t hubad na nakikipagtalik sa kanilang katulong, kamakalawa ng gabi sa loob mismo ng kanilang kuwarto sa Parañaque City.

Hindi na umabot nang buhay makaraang isugod sa Olivarez Medical Center ang biktimang si Paterno Navarro, walang trabaho. Nagtamo ito ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre  ng baril.

Naaresto naman ng pulisya ang suspect na misis na si Gloria Navarro, 49, at nahaharap ito sa kasong parricide.

Base sa report na natanggap ni Parañaque City Chief of Police Supt. Ronald Estilles, naganap ang insidente dakong alas-11 ng gabi mismo sa loob ng kawarto ng mag-asawang Navarro sa #132 Ninoy Aquino Avenue, Brgy. Sto. Niño ng lungsod na ito.

Nabatid na nang buksan ng suspect ang kanilang kuwarto, gumulantang sa kanya ang hubo’t hubad na mister at ang katulong nilang si Mary Rose Bonifacio, 18, dalaga, tubong- Camarines Sur.

Sa nasaksihang pagtatalik ng dalawa, pinandiliman ng paningin ang suspect at sa matinding selos, kinuha nito ang nakatago nilang baril.

Hanggang sa pinagbabaril nito ang mister na si Paterno at isinugod naman ito sa nabanggit na pagamutan ng ilang kasambahay ngunit hindi na umabot ng buhay.

Hindi naman nabanggit kung nasaan na ang katulong nitong si Bonifacio.

 Sa ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan ang nasabing kaso. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BONIFACIO

CAMARINES SUR

CITY CHIEF OF POLICE SUPT

GLORIA NAVARRO

LORDETH BONILLA

MARY ROSE BONIFACIO

NINOY AQUINO AVENUE

OLIVAREZ MEDICAL CENTER

PATERNO NAVARRO

RONALD ESTILLES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with