85-anyos na lolo pisak sa cement mixer
August 12, 2006 | 12:00am
Patay ang isang 85-anyos na lolo matapos na magulungan ito ng isang rumaragasang cement mixer habang papatawid sa kalsada kahapon ng umaga sa lungsod ng Pasig.
Dead-on-the-spot ang senior citizen na nakilala sa kanyang ID na si Cesar Pinga, residente ng 408 Dr. Sixto Antonio Brgy. Maybunga ng nabanggit na lungsod.
Samantala, sumuko naman ang suspect na kinilalang si Jorge Sison, 39, driver ng Transit Mixer, may plakang UHF-415, ng #476 Mangga St. Napico, Lifehomes ng nasabing lungsod.
Ayon kay SP03 Alexander Galang, naganap ang insidente sa kanto ng C. Raymundo at Mercedes Avenue, Brgy. Caniogan ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na papatawid sa nabanggit na lugar ang biktima na galing sa pagja-jogging nang bigla na lamang sumulpot ang rumaragasang 10-wheeler truck-mixer na minamaneho ni Sison galing sa Mercedes Avenue patungong Pasig Rotonda.
Nahagip ng mixer ang paa ng biktima na ikinatumba nito at pagkatapos ay pumasok ang katawan nito paloob sa ilalim ng trak dahilan upang magulungan ang katawan nito.
Ayon sa suspect, hindi niya napansin ang biktima dahil sa may kataasan ang kanyang minamanehong sasakyan at nagulat na lang umano siya nang biglang maramdamang may bumabara sa gulong ng minamanehong trak.
Kasalukuyang nakapiit ngayon sa Pasig City detention cell ang suspect at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended