Night clubs sa Maynila, front ng sindikato ng droga
August 12, 2006 | 12:00am
Nakatakdang imbestigahan ngayon ng Manila Police District (MPD) ang ulat na talamak na bentahan ng droga sa mga night club sa lungsod ng Maynila na ginagawang front ng mga sindikato.
Itoy matapos na makatanggap ng ulat si Manila City Mayor Lito Atienza tungkol sa paggamit ng mga sindikato sa mga babaeng bayaran ng droga at pagbebenta rin sa mga dayuhang kostumer.
Karamihan sa mga isinumbong na mga night club ay pawang nasa Malate, Maynila na siyang paboritong puntahan ng mga dayuhan. Hawak ang naturang lugar ng MPD-Station 8.
Sa kautusan ni Atienza kay MPD Officer-in-Charge Senior Supt. Danilo Abarsoza, binanggit nito na dapat malaman kung may mga pulis na nakapatong sa naturang mga club para bigyan ng proteksyon ang mga ito at tiyakin din na makakasuhan ang mga ito. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest