^

Metro

Grade-2 pupil nagtangkang magpakamatay

-
Naging sanhi ng pagsisikip ng daloy ng trapiko ang tangkang pagpapakamatay ng isang grade 2 pupil sa pamamagitan ng pagtalon nito mula sa bubungan ng ikatlong palapag ng kanilang paaralan sa Taguig City, kahapon ng umaga.

Nakilala ang bata na si Benjo Olaybal, 10-anyos, na kasalukuyang nasa custody ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8 ng umaga sa bubungan ng ikatlong palapag ng Tenement Elementary School na matatagpuan sa kahabaan ng Veterans Road sa panulukan ng Sampaguita at Rambutan Sts. sa Brgy. Western Bicutan ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na bigla na lamang umanong umakyat ng bubungan ang bata at saka nagtangkang tumalon. Halos may isang oras ding nakipag-negosasyon ang mga pulis kay Benjo kaya nagkabuhul-buhol ang trapiko sa nabanggit na lugar.

Ang lady guard lamang na si Jennah Sarol ang nakakumbinsi sa bata para huwag ituloy ang planong pagpapakamatay.

Sasailalim ang bata sa isang psychological test habang inaalam pa kung ano ang posibleng motibo nito sa tangkang pagpapakamatay. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BENJO

BENJO OLAYBAL

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

JENNAH SAROL

LORDETH BONILLA

RAMBUTAN STS

TAGUIG CITY

TENEMENT ELEMENTARY SCHOOL

VETERANS ROAD

WESTERN BICUTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with