Tulak ng droga, patay sa parak
August 11, 2006 | 12:00am
Nabaril at napatay ang isang pinaniniwalaang "tulak" ng droga ng isa sa tatlong pulis na tinangka nitong agawan ng armas habang inaaresto kamakalawa ng gabi sa Pasay City.
Patay na nang idating sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang suspect na si Nasrodin Hadji-Mesa-Maute, alyas "Alvin", 23, taga-Block 2, Lopez Village, Las Piñas City. Nagtamo ito ng ilang tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Pasay City police na naganap ang insidente dakong alas-11:45 ng gabi sa Macapagal Blvd., Pasay City.
Nakatanggap ng reklamo ang mga pulis na nanggugulo sa nabanggit na lugar ang suspect kung kayat agad na rumesponde ang mga ito.
Nadakip naman ng mga pulis ang nabanggit na suspect at nang kapkapan, nakita sa bulsa nito ang ilang pirasong shabu.
Base sa nakalap na impormasyon ng mga pulis, kilala umanong tulak ng droga ang suspect.
Habang nasa loob ng mobile patrol car ang suspect upang dalhin sa headquarters, inagawan umano nito ng baril si PO1 Giliohn Labaton, dahilan upang mag-agawan ang mga ito.
Maagap namang bumunot ang isa pang pulis na si PO2 Romel Orel ng kanyang service firearm hanggang sa pinaputukan nito ang nagwawalang suspect.
Mabilis na isinugod ang suspect sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot nang buhay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended