^

Metro

Pamilya Magnayon may death threats

-
Nagpahayag ngayon ng pangamba ang pamilya ng negosyanteng si Ernani "Nani" Magnayon para sa kanilang seguridad matapos na makatanggap ng mga pagbabanta sa kanilang buhay.

Sa panayam kay Atty. Cecilia Magnayon, nakatatandang kapatid ni Nani, matapos na ihayag nila at ng mga saksi sa media ang maling pamamaraan ng pag-aresto ng pulisya sa huli ay nakakatanggap na sila ng pagbabanta sa buhay. Maging si Nani na nasa piitin ay nangangamba na rin sa kanyang buhay.

Kaugnay nito, patuloy pa ring humihingi ng hustisya ang pamilya ni Nani na sinasabing "fall guy" at itinuturong gunman ni RPN-9 cameraman Ralph Ruñez.

Magugunita na si Ernani ay dinampot ng mga nakasibilyan at pawang mga naka-bonnet na operatiba ng Caloocan City Police dakong alas-7:30 ng gabi noong Agosto 3 at iniugnay na sa kasong Ruñez-slay. Ito ay sa kabila na wala kahit isang testigo na saksi sa naganap na panghoholdap at pagpaslang kay Ruñez ang kumilala dito bilang gunman. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

AGOSTO

CALOOCAN CITY POLICE

CECILIA MAGNAYON

ERNANI

KAUGNAY

MAGNAYON

NANI

RALPH RU

ROSE TAMAYO-TESORO

RU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with