^

Metro

P1.6-M shabu nasamsam; 2 ‘tulak’ timbog

-
Naaresto ng mga tauhan ng PNP-Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF) ang dalawang pinaghihinalaang big-time drug trafficker kasunod ng pagkakasamsam sa P1.6-M halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Quezon City nitong Martes ng gabi.

Kinilala ni AIDSOTF chief director Marcelo Ele Jr. ang mga nahuling suspect na sina Abdul-Azis Modin Bidara, alyas Jess, 38; at Ashmeri Dilangalen, alyas Asih, 23, kapwa residente ng Palmera Homes, Novaliches.

Bago ang operasyon, isinailalim sa ilang linggong surveillance operations ng mga awtoridad ang mga suspect matapos na makatanggap ng impormasyon hinggil sa talamak na pagtutulak ng shabu ng mga ito.

Ayon kay Ele, dakong alas-8:10 ng gabi kamakalawa nang masakote ang mga suspect sa kahabaan ng Mindanao Avenue sa Quezon City.

Hindi na nakapalag ang mga suspect matapos arestuhin at nakuha rito ang may 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.6-M at isang puting Nissan na may plakang TKB-452 na ginagamit nila sa ilegal na aktibidades. (Joy Cantos)

ABDUL-AZIS MODIN BIDARA

ASHMERI DILANGALEN

ASIH

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

JOY CANTOS

MARCELO ELE JR.

MINDANAO AVENUE

PALMERA HOMES

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with