^

Metro

Coed inatado ng lover

-
Mistulang makabagong version ng "Romeo and Juliet" ang nangyari sa isang 20-anyos na nursing student at sa 22-anyos nitong lover na isa ring estudyante makaraang paslangin ng huli ang una sa pamamagitan ng pananaksak bago ito naglaslas ng pulso, kamakalawa ng tanghali sa Caloocan City.

Namatay noon din mismo sa pinangyarihan ng insidente sanhi ng maraming tama ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Roselyn Cabanilla, residente ng Barrio Concepcion, Tala North Caloocan.

Agad namang idiniretso sa selda matapos malapatan ng kaukulang lunas ang suspect na si Dennis Habana, na naglaslas sa pulso subalit hindi ito napuruhan.

Batay sa ulat ni PO2 Julian Chavez, may hawak ng kaso, dakong alas-12 ng tanghali nang maganap ang insidente sa tinutuluyang bahay nina Habana at Cabanilla sa Barrio Concepcion, Tala.

Nabatid na nag-ugat umano ang pamamaslang ni Habana kay Cabanilla matapos ang mainitang pagtatalo nang magpaalam ang huli sa una na pupunta ito ng Amerika upang doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Lalong naburyong sa galit si Habana nang ipagpilitan ni Cabanilla ang plano nitong paglisan at dito na ito dumampot ng isang kitchen knife at maraming beses na inundayan ng saksak ang huli hanggang sa malagutan ito ng hininga.

Nang masiguro na wala nang buhay si Cabanilla ay naglaslas naman ng pulso ang lalaki.

Sa puntong ito ay dumating naman ang mga nagrespondeng tauhan ng pulisya na tinawagan ng mga kapitbahay ng dalawa nang marinig ang mainitang pag-aaway ng mga ito.

Isinugod sa pagamutan si Habana at saka idiniretso sa piitan. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

BARRIO CONCEPCION

CABANILLA

CALOOCAN CITY

DENNIS HABANA

HABANA

JULIAN CHAVEZ

ROMEO AND JULIET

ROSE TAMAYO-TESORO

ROSELYN CABANILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with