^

Metro

Embahada ng Israel sa Makati todo-bantay

-
Nagdeploy na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng karagdagang pulis sa bisinidad ng Embahada ng Israel sa Makati City upang palakasin pa ang police visibility laban sa posibleng ‘sympathy attacks’ kaugnay ng nagaganap na giyera sa Lebanon. Ito ang sinabi ni NCRPO chief Director Vidal Querol na ipinahiwatig pang hindi nila inaalis ang posibilidad na umatake sa Israel Embassy ang mga teroristang grupo na kaalyado ng Hezbollah forces sa Lebanon na binubulabog ng nagaganap na digmaan. Binanggit pa ni Querol na may sapat na puwersa ang NCRPO para pangalagaan ang mga diplomat Embahada at maging ang naturang gusali laban sa mga kaalyado ng Hezbollah forces na posibleng bumuwelta.

Gayunman, nilinaw din ni Querol na bibigyang seguridad din ng NCRPO ang Embahada ng Lebanon , pero mas maigting ang kanilang police visibility sa Israel Embassy dahil sa rebeldeng Hezbollah lamang umano ang kalaban ng mga sundalong Israeli sa katimugang bahagi ng naturang bansa at hindi mismong ang mga Lebanese Army. (Joy Cantos)

vuukle comment

BINANGGIT

DIRECTOR VIDAL QUEROL

EMBAHADA

HEZBOLLAH

ISRAEL EMBASSY

JOY CANTOS

LEBANESE ARMY

MAKATI CITY

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

QUEROL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with