Guro ni-rape sa ospital
August 9, 2006 | 12:00am
Nahaharap ngayon sa kontrobersya ang Tondo Medical Center sa lungsod ng Maynila matapos na gahasain ng isa nilang janitor ang isang 36-anyos na volunteer teacher sa loob ng palikuran nito.
Nagsampa ng kasong rape sa Manila Prosecutors Office ang biktima na itinago sa pangalang Nilda, residente ng Malabon City laban sa suspect na nakilalang si Rogelio Napiza, 37, ng F. Varona St., Tondo.
Sa salaysay ng biktima sa Manila Police District-Womens and Children Desk, nagbabantay siya sa kanyang anak na naka-confine sa naturang pagamutan noong nakaraang Hulyo 21 nang pumasok ang suspect dakong alas-9 ng gabi.
Una umanong hinipuan siya sa dibdib ng suspect na noon ay lango sa alak at ikiniskis ang ari nito sa kanyang likuran, Hindi umano siya nakapanlaban dahil sa higit na mas malaki sa kanya ang suspect. Natigil lamang pambabastos nito nang isang pasyente ang tumawag sa kanya, gayunman binantaan siya ng suspect na papatayin kapag nagreklamo.
Hulyo 22, natuloy ang panghahalay sa ginang dakong ala-1 ng umaga sa loob ng palikuran ng ospital. Bigla umanong pumasok ang suspect at ikinandado ang pinto saka tuluyang hinalay ang biktima.
Nagawa naman ng biktima na magsumbong sa pamunuan ng pagamutan ngunit hindi siya pinakinggan at pinayuhan lamang na humingi ng tulong sa mga kaanak. Sinabi pa ng biktima na tinangka pa umanong i-delete ng mga ito ang file ng kanyang anak sa ospital upang itanggi na na-admit sila ngunit naitago naman niya ang admission card ng kanyang anak,
Inireklamo rin ng biktima si Manny Vicoria, maintenance supervisor sa pagamutan dahil sa halip na gumawa ng paraan ay tinanggal lamang sa trabaho ang suspect na ngayon ay kasalukuyan nang nagtatago.
Pinag-aaralan naman ngayon ng pulisya ang posibilidad na pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyales ng pagamutan dahil sa umanoy pagtatakip sa kanilang empleyado.
Samantala, tiniyak ni Dr. Victor dela Cruz, administrator ng Tondo Medical Center na gagawan niya ng masusing imbestigasyon ang reklamo ukol sa naganap na panggagahasa sa ginang.
Sinabi ni Dela Cruz na hindi nila diretsong empleyado si Napiza na tauhan ng isang janitorial services na nangongontrata lamang sa kanila. Sa kabila nito, hindi aniya niya kukunsintihin ang sinumang tauhan na nagkaroon ng pagkakasala at pagkukulang sa pagtulong sa biktima na umanoy pinabayaan matapos na magsumbong sa mga doktor at nurse sa pagamutan.
Itinanggi din nito na may ginagawang pagko-cover-up sa insidente tulad ng pahayag ng biktima na binura ang file ng kanyang anak sa computer para palabasin na hindi ito na-admit sa pagamutan. Nakatitiyak umano ang biktima na nasa medical file pa rin ang rekord nito. Idinagdag nito na ngayon lamang niya nalaman ang naturang insidente nang kapanayamin ng PSN. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am