MPD headquarters niyanig ng pagsabog
August 8, 2006 | 12:00am
Niyanig ng isang malakas na pagsabog buhat sa isang pillbox na inihagis ng dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo ang harapan ng Manila Police District headquarters sa United Nations Avenue sa Ermita, kahapon ng hapon.
Dakong alas-4:15 ng hapon nang dumagundong ang napakalakas na pagsabog sanhi upang maglabasan ang mga pulis sa loob ng headquarters sa pangunguna ni MPD officer-in-charge Senior Supt. Danilo Abarsoza.
Sa ulat ng Explosive Ordnance Division, inihagis ang pillbox sa entrance gate ng isang parking lot sa gilid ng isang kantina na pag-aari ni Salvacion Lupit sa tapat lang ng MPD headquarters.
Ayon sa mga saksi, dalawang lalaki sakay ng isang motorsiklo patungo sa direksyon ng Paco, Maynila ang huminto sa gilid ng kalsada. Inihagis ng lalaking angkas ng motor ang naturang pillbox bago pinaharurot ang sasakyan at lumiko pakanan sa San Marcelino Street.
Agad namang pinag-utos ni Abarsoza ang imbestigasyon sa insidente na maituturing na pasalubong sa kanyang pag-upo bilang hepe ng MPD.
Pangunahing anggulo sa insidente ang awayan ng mga fraternity na kinabibilangan ng mga estudyante ng Emilio Aguinaldo College na nasa likuran ng naturang parking lot. Hindi naman inaalis ang anggulo na kagagawan ang pagpapasabog ng mga kalaban ng pamahalaan na nais maghasik ng takot. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended