Killers ng fotog, timbog
August 6, 2006 | 12:00am
Bumagsak na sa kamay ng mga tauhan ng Northern Police District ang dalawang gunmen ng photojournalist na si Prudencio "Dick" Melendrez.
Ito ang kinumpirma kahapon ni NPD director Chief Supt. Leopoldo Bataoil .
Isa pa lamang sa dalawang naaresto ang kinilala na si Roberto Lopez, 36, pinsan ng unang inarestong si Dodoy Lopez, alyas Ben Ladin.
Sinabi pa ni Bataoil na dalawa pa ang kanilang tinutugis na sangkot sa Melendrez-slay.
Inaasahang bukas (Lunes) ihaharap ni PNP Chief Director General Oscar Calderon sa mga mamamahayag ang mga nadakip na suspect.
Ang mga salarin ay natimbog matapos ang isinagawang malawakang operasyon ng pulisya pagkatapos na pagkatapos na malutas din nila ang kasong pagpaslang sa cameraman ng RPN-9 na si Ralph Ruñez, kamakalawa.
Si Melendrez, 41, ng pahayagang Tanod ay magugunitang tinambangan dakong alas-8:30 ng umaga noong Hulyo 31 ng mga armadong kalalakihan.
Sinabi pa ni Bataoil na hindi sila titigil hanggat hindi nabibigyan ng hustisya ang pamamaslang sa mga mediamen.
Samantala, umaabot sa 35 suspect sa serye ng pamamaslang sa media men at hanay ng militanteng grupo ang pakay ng manhunt operation ng PNP-Task Force USIG.
Ayon kay PNP-Task Force USIG Chief Deputy Director Avelino Razon Jr., ang nasabing mga suspect ay pawang naisyuhan ng warrant of arrest ng ibat ibang korte sa bansa.
Sinabi ni Razon na positibo siyang matutugunan ng PNP-Task Force USIG ang palugit na sampung linggo ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo upang maresolba ang pamamaslang sa mediamen, lider at miyembro ng militanteng grupo dahil sa puspusang operasyon ng kanilang mga intelligence operatives.
Iginiit ng opisyal na itoy bunsod na rin ng ipinalabas na P50,000 hanggang P100,000 reward ng PNP para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikadarakip ng mga suspect.
Inihayag ni Razon na marami nang informer na tumatawag sa PNP at nagbibigay ng impormasyon sa kanilang mga nalalaman sa krimen na masusi nilang bineberipika. (Rose Tamayo-Tesoro at may dagdag na ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended