Nakilala ang suspect na si Christopher Cabayan, 28, cook sa Reception Action Center ng DSWD-Manila at residente ng Old Panaderos St., Sta. Ana, Maynila.
Nabatid naman na tinamaan ng sexually transmitted disease (STD) ang binatilyong biktima na itinago sa pangalang Jun dahil sa naganap na pang-aabuso rito.
Sa ulat ng Manila Police District-Childrens and Womens Desk naganap ang panghahalay noong Hulyo 23 dakong alas-11 ng gabi sa loob ng kanilang selda sa reception center ng DSWD sa Arroceros St., Intramuros. Unang hinuli ng mga tauhan ng DSWD ang biktima noong Hulyo 12 habang nagpapalaboy ito sa Intramuros at dinala sa naturang reception center ng mga batang palaboy. Sinabi ng biktima na pinasok umano siya ng suspect sa loob ng selda at sapilitan siyang ginahasa. Nang makaraos, umalis na ang suspect ngunit muling bumalik nang magmamadaling araw at muli siyang ginamit nito. Nakalabas naman sa reception center ang biktima nitong Agosto 2 matapos na sunduin ng kanyang mga magulang. Inireklamo ito sa kanyang ina ang pananakit ng ari at nang ipasuri ay doon nabatid na nagkaroon ito ng sakit na "gonorrhea". (Danilo Garcia)