^

Metro

Totoy hinalay ng bading sa DSWD office

-
Nahaharap ngayon sa kontrobersiya ang lokal na tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos na mabulgar ang naganap na panghahalay sa isang 14-anyos na binatilyo ng isang umano’y bading na tagaluto sa loob mismo ng tanggapan sa Intramuros, Maynila.

Nakilala ang suspect na si Christopher Cabayan, 28, cook sa Reception Action Center ng DSWD-Manila at residente ng Old Panaderos St., Sta. Ana, Maynila.

Nabatid naman na tinamaan ng sexually transmitted disease (STD) ang binatilyong biktima na itinago sa pangalang Jun dahil sa naganap na pang-aabuso rito.

Sa ulat ng Manila Police District-Children’s and Women’s Desk naganap ang panghahalay noong Hulyo 23 dakong alas-11 ng gabi sa loob ng kanilang selda sa reception center ng DSWD sa Arroceros St., Intramuros. Unang hinuli ng mga tauhan ng DSWD ang biktima noong Hulyo 12 habang nagpapalaboy ito sa Intramuros at dinala sa naturang reception center ng mga batang palaboy. Sinabi ng biktima na pinasok umano siya ng suspect sa loob ng selda at sapilitan siyang ginahasa. Nang makaraos, umalis na ang suspect ngunit muling bumalik nang magmamadaling araw at muli siyang ginamit nito. Nakalabas naman sa reception center ang biktima nitong Agosto 2 matapos na sunduin ng kanyang mga magulang. Inireklamo ito sa kanyang ina ang pananakit ng ari at nang ipasuri ay doon nabatid na nagkaroon ito ng sakit na "gonorrhea". (Danilo Garcia)

ARROCEROS ST.

CHRISTOPHER CABAYAN

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

HULYO

INTRAMUROS

MANILA POLICE DISTRICT-CHILDREN

MAYNILA

OLD PANADEROS ST.

RECEPTION ACTION CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with