^

Metro

15-anyos sugatan sa nagwalang pulis

-
Masuwerteng nakaligtas sa tiyak na kapahamakan ang isang 15-anyos na binatilyo matapos na mahagip ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan dahil sa walang habas na pagpapaputok ng baril ng isang pulis sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Sinampahan na ng kasong physical injuries at illegal discharge of firearms ang suspect na si PO2 Jon-Jon Somo, umano’y nakatalaga sa Manila Police District-Station 1.

Nasa ligtas ng kalagayan matapos na magtamo ng tama ng bala sa sentido, braso at tuhod ang biktimang si Rodulf Quilit, estudyante at residente ng Malvar St., Tondo.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng hapon sa may Raxabago St. ng nabanggit na lugar.

Ayon sa biktima, naglalakad siya sa may Capulong St. upang bumili ng tinapay nang makasalubong si Somo. Bigla umano itong naglabas ng baril at tatlong beses na nagpaputok sa may semento sa tapat ng biktima sanhi upang tamaan ang huli.

Bagamat sugatan ay nakauwi pa ng bahay ang biktima at dito pa lamang ito naisugod sa pagamutan. (Danilo Garcia)

AYON

BAGAMAT

BIGLA

CAPULONG ST.

DANILO GARCIA

JON-JON SOMO

MALVAR ST.

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

RAXABAGO ST.

RODULF QUILIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with