^

Metro

Utak sa Orsolino-Melendrez slay, tukoy na

-
Isang mayaman at ma-impluwensiyang negosyante na itinuturong ‘utak’ sa Orsolino-Melendrez slay nakatutok ngayon ang isinasagawang imbestigasyon ng mga kinauukulan, makaraang mabanggit ang pangalan nito sa sulat na iniwanan ng pinaslang na photojournalist na si Prudencio "Dick" Melendrez.

Gayunman, hindi muna ibinunyag ng pulisya ang pangalan ng nasabing negosyante hanggat isinasagawa pa ang imbestigasyon ukol sa pagkakasangkot nito sa nasabing krimen.

Ang nasabing negosyante rin ang pinaniniwalang umupa ng mga hired killers para paslangin ang mediamen na sina Albert Orsolino na unang tinambangan noong Mayo 16, 2006 at sa pinsan nitong si Melendrez noong nakalipas na Lunes.

Samantala, sa tulong ng mga saksi nagpalabas na kahapon ng artist sketch ang Northern Police District (NPD) para sa deskripsyon ng dalawa sa tatlong tumambang kay Melendrez.

Pansamantala din munang pinakawalan kahapon ng umaga ang naarestong isa sa pangunahing suspect sa Melendrez slay na si Antonio "Dodoy" Lopez, alyas Ben Ladin makaraang umapela ang kampo nito para sa kanyang karapatang pantao subalit aarestuhin din sa oras na mailabas ang warrant of arrest laban dito. (Rose Tamayo-Tesoro)

ALBERT ORSOLINO

BEN LADIN

DODOY

GAYUNMAN

ISANG

LOPEZ

MELENDREZ

NORTHERN POLICE DISTRICT

ORSOLINO-MELENDREZ

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with