Bebot binoga sa mukha
August 1, 2006 | 12:00am
Patay ang isang 27-anyos na babae makaraang barilin ito sa mukha ng hindi pa nakikilalang salarin habang natutulog sa kanilang kariton, kamakalawa ng gabi sa Pasig City.
Agarang namatay sanhi ng tinamong tama ng bala sa kaliwang pisngi ang biktimang si Analiza Recto, habang mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspect matapos ang pamamaril.
Ayon sa live-in partner ng biktima na nakilalang si Armando Jose, 48, naganap ang insidente dakong alas-10:55 ng gabi habang magkatabi silang natutulog sa loob ng kariton na ipinarada sa kahabaan ng F. Antonio St., Brgy. Bambang ng nabanggit na lungsod. Bigla na lang umanong nakarinig ito ng isang malakas na putok at ng kanyang tingnan ay may isang lalaking papalayo sa kanilang kariton at laking gimbal nito nang makitang duguan na ang mukha ni Recto at wala nang buhay.
Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, posible umanong pinagtripang barilin ng suspect ang biktima matapos na makitang natutulog sa kariton.
Malaki rin ang paniwala ng pulisya na tagaroon lang ang gumawa ng krimen na maaaring napagtripan ang biktima.
Isang follow-up operation ang isinasagawa ngayon ng pulisya para sa agarang pagkakalutas ng kaso. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am