^

Metro

4 sabit sa gang-rape arestado

-
Nalambat na ng pulisya ang apat sa pitong kalalakihan na halinhinang gumahasa sa isang 20-anyos na dalaga, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakilala ang mga naarestong suspect na sina Marc Anthony Rodriguez, 19; Erick Santos, 28; Joseph Garcia, 21; at Albert Tulad, 20, habang pinaghahanap pa ang tatlong kasamahan ng mga ito na kinilala lamang sa mga alyas na Imboy, Andoy at Alvin na pawang mga residente ng Landasca St., Caloocan.

Batay sa pahayag ng biktimang si Janice (di-tunay na pangalan), dakong alas-8 ng gabi nang mangyari ang insidente sa bahay ng suspect na si Alvin.

Unang inimbitahan umano ng mga suspect ang biktima na dumalo sa birthday party ni Imboy sa bahay ni Alvin na pinaunlakan naman ng dalaga. Sa gitna ng kasayahan, pinilit umano ng mga suspect ang dalaga na uminom ng alak at nang malasing ay pinagtulungang hubaran ng grupo at halinhinang ginahasa. Matapos ang insidente ay pinayagan naman ng mga suspect na umuwi ang biktima subalit tinakot umano na may mangyayaring masama sa kanya kapag nagsumbong kaninuman.

Sa kabila ng pagbabanta ng mga suspect ay dumulog pa rin sa pulisya ang dalaga at isinuplong ang mga ito.

Naaresto sa follow-up operation ang apat na mga suspect habang nakatakas naman ang mga kasamahan nito. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ALBERT TULAD

ALVIN

CALOOCAN CITY

ERICK SANTOS

IMBOY

JOSEPH GARCIA

LANDASCA ST.

MARC ANTHONY RODRIGUEZ

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with