^

Metro

Bagong sibol na Chinese KFR gumagala

-
Gumagala ngayon ang isang bagong sibol ng Chinese Kidnap-for-ransom (KFR) gang na nambibiktima ng mayayamang negosyanteng Filipino-Chinese sa Metro Manila at mga karatig lugar.

Ito ang ibinulgar kahapon ni Teresita Ang See, chairman ng Citizen’s Against Crime and Corruption (CAAC).

Ayon kay See, nakababahala ang grupong ito dahil sa alam na alam ng mga ito ang aktibidad ng kapwa nila Filipino-Chinese na bibiktimahin.

Ang nasabing grupo ayon kay See na ang mga lider ay Filipino-Chinese ay may mga kasabwat rin umanong mga Filipino sa kanilang mga iligal na aktibidad.

"Have pity on your fellow Chinese," apela pa ni See sa naturang grupo ng mga kidnappers.

Nabatid na maliban sa Metro Manila ay umaabot pa hanggang sa Central Luzon ang operasyon ng grupong ito na sangkot din sa robbery at holdapan.

Sinabi pa ni See na noong nakalipas na buwan ng Hulyo ay nakapagtala ang Filipino-Chinese community ng 11 kaso ng kidnapping kabilang na ang ilang residente sa Metro Manila. Kabilang anya sa mga nabiktima ay nagbayad ang pamilya ng P1-M, isa ay P2-M at ang isa pa ay mahigit kalahating milyon kapalit ng kalayaan ng mga kinidnap. (Joy Cantos)

AGAINST CRIME AND CORRUPTION

AYON

CENTRAL LUZON

CHINESE

CHINESE KIDNAP

FILIPINO-CHINESE

JOY CANTOS

METRO MANILA

TERESITA ANG SEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with