Ammonia leak sa Caloocan: Mahigit 300 katao nahilo
July 31, 2006 | 12:00am
Mahigit sa 300 katao ang nakaramdam ng matinding pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagkahilo makaraang sumingaw ang isang tangke ng ammonia, kahapon ng umaga sa Caloocan City.
Sa panayam kay Caloocan City fire marshal C/Insp. Juan Reyes, dakong alas-10:15 ng umaga nang tumagas ang nasabing kemikal sa isang tangke ng Grainswell Food Products sa warehouse ng Royal Jade Company na pag-aari ng Chinese trader na si Victor Ang na matatagpuan sa 257 Nangka Road, Araneta Avenue, Brgy. 79, nabanggit na lungsod.
Dahil sa malakas na ihip ng hangin ay madaling kumalat sa buong barangay ang masangsang na amoy ng nasabing kemikal na ginagamit na preservatives.
Ayon naman kay Dra. Raquel So Sayo, health department officer ng Caloocan City, pawang nakaranas ng matinding pananakit ng tiyan, pagsusuka, pangangati sa katawan at labis na pagkahilo ang mga naapektuhang residente ng Caloocan dahil sa excessive ammonia intake.
Napag-alaman pa na karamihan sa labis na naapektuhan ay ang mga batang may edad na 2-anyos hanggang 12.
Mabilis at agaran namang na-contain ng rumespondeng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection-Special Rescue Team (BFP-SRT) gamit ang modernong chemical suit at equipment at agad na napigilan ang pagkalat pa ng kemikal sa mga karatig barangay.
Agad namang nalapatan ng lunas ang mga biktima sa tulong ng Caloocan City health department at Reformed Department Public Safety and Traffic Management Rescue team gamit ang mga oxygen tank.
Kaugnay nito, ipinag-utos na ni Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri ang pagsasailalim sa masusing imbestigasyon sa nasabing warehouse at kapag napatunayang may naganap umano na kapabayaan sa panig ng mga ito ay tuluyan itong isasara. (Rose Tamayo-Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended