Grade 1 pupil nilait na, hinampas pa ng guro
July 29, 2006 | 12:00am
Isa na namang 23-anyos na guro sa elementarya ang nahaharap sa kaso makaraang laitin at saktan ang isa niyang pupil sa grade 1, kamakalawa ng umaga sa San Andres, Malate, Maynila.
Nakatakdang sampahan ng kasong physical injuries ang guro na nakilalang si Michelle Beron, nagtuturo sa Aurora Quezon Elementary School sa San Andres, Malate, Maynila.
Sa ulat ng MPD-Women and Childrens Desk, naganap ang insidente kamakalawa ng umaga habang nagkaklase si Beron. Tinawag umano nito ang batang lalaking biktima na itinago ang pangalan, subalit hindi ito nakasagot ng maayos na ikinagalit ng guro.
Sinabihan pa umano ng guro ang bata na "Ang laki-laki mo na tanga ka pa. Bobo, bulol".
Pagkatapos nito ay kumuha ang guro ng isang makapal na kahoy at pinalo ang biktima sa braso at sumablay pa at tinamaan sa mukha, partikular sa mata ang bata.
Sinamahan ang biktima ng social worker na si Irish dela Cruz ng Tulay ng Kabataan Foundation sa Manila Police at doon inireklamo ang nabanggit na guro. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended