^

Metro

Huwes na nasentensiyahan, pinasususpinde

-
Pinasususpinde ng isang piskal sa Supreme Court ang isang huwes matapos na ito ay sintensiyahan ng mababang korte sa dalawang bilang ng kasong child abuse.

Nabatid mula sa liham ni Senior State Prosecutor Emmanuel Velasco kay Supreme Court (SC) Chief Justice Artemio Panganiban, iginiit nito na si Judge Adoracion Angeles ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) ay convicted na sa kasong kriminal sa Quezon City RTC.

Ang kaso ni Angeles ay na-promulgate na noon pang Hulyo 17, 2006.

Inireklamo ni Velasco ang hindi pagkukusa ni Judge Angeles na magbitiw sa pagdinig at pagdedesisyon sa mga kasong kanyang hinahawakan.

Binigyang diin pa ni Velasco na sinumang hukom na hinatulan sa katulad na kasong kinasasangkutan ni Judge Angeles ay marapat lamang na manatili sa piitan tulad ng mga ordinaryong kriminal.

Malaki ang paniniwala ni Velasco na bilang hukom ay may malalim na impluwensiya sa mga ahensiya ng hudikatura si Judge Angeles at ang pansamantalang pagsuspinde sa kanya sa tungkulin ang maaari lamang makapag-neutralize ng sitwasyon. (Grace dela Cruz)

BINIGYANG

CALOOCAN CITY REGIONAL TRIAL COURT

CHIEF JUSTICE ARTEMIO PANGANIBAN

CRUZ

JUDGE ADORACION ANGELES

JUDGE ANGELES

QUEZON CITY

SENIOR STATE PROSECUTOR EMMANUEL VELASCO

SUPREME COURT

VELASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with