^

Metro

2 pang biktima ni ‘Glenda’ natagpuan

-
Dalawang bangkay na kinabibilangan ng isang 27-anyos na lalaki na tinangay ng rumaragasang tubig sa ilog sa Quezon City sa kasagsagan ng bagyong si "Glenda" ang magkahiwalay na natagpuan kahapon ng madaling- araw sa Caloocan at Valenzuela City.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-3 ng madalng araw nang matagpuang lumulutang sa Tullahan River sa Valenzuela City ang bangkay ni Raymundo Limpin, 27 ng Brgy. Gulod, Quezon City.

Ayon sa pahayag ni Luzviminda, kapatid ng nasawi na noong nakalipas na Martes niya huling nakita ang kapatid na nangunguha ng basurang plastic sa gilid ng Tullahan River sa Quezon City hindi kalayuan sa kanilang bahay.

Mula noon ay hindi na ito nakita sa paniwalang natangay ng malakas na current sa ilog.

Samantala, dakong ala-1 ng madaling araw naman nang matagpuan ang bangkay ng isang lolo sa isang creek sa Caloocan City. Inilarawan ang biktima na nasa gulang na 70-anyos, may taas na 5’6 talampakan nakasuot ng puting jacket at itim na short.

Kapwa pagkalunod ang pinaniniwalaang sanhi ng kanilang kamatayan. Walang nakitang external injuries sa mga biktima. (Rose Tamayo-Tesoro)

AYON

BATAY

BRGY

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

QUEZON CITY

RAYMUNDO LIMPIN

ROSE TAMAYO-TESORO

TULLAHAN RIVER

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with