Lady judge pinag-Iinhibit sa kaso: Piyansa ni Roldan, haharangin ng DoJ
July 27, 2006 | 12:00am
Hahabulin ng Department of Justice (DoJ) ang ipinalabas na desisyon ng Pasig City Regional Trial Court na pumabor sa panandaliang kalayaan ng aktor at dating Quezon City Congressman Dennis Roldan kaugnay sa kasong kidnap for ransom na kinakaharap nito.
Ipinaliwanag ni Assistant Chief State Prosecutor Richard Anthony Fadullon na hihilingin ng DoJ na makansela ang kalahating milyong piyansa na ipinagkaloob sa aktor, Mitchelle Gumabao sa totoong buhay.
Nais din ng prosecution na magbitiw si Judge Agnes Reyes-Carpio ng Pasig RTC Branch 261 sa paghawak sa kaso ni Roldan.
Binigyang-diin pa ng DoJ na naging bias si Judge Carpio sa paghatol sa usapin dahil mabigat ang mga hawak na ebidensiya ng prosekusyon upang mapanagot si Roldan sa ginawang pagdukot sa 3-anyos na biktimang si Kenshi Yu.
Malinaw umano na non-bailable ang kasong kinasasangkutan ni Roldan kung kaya nakapagtataka na tanging ito na sinasabi pa ng mga testigo na pasimuno sa pagkidnap ang pinagbigyan na makapagpiyansa.
Pinayagan ni Judge Carpio si Roldan na makapagpiyansa ng halagang P500,000.
Samantala, kasabay nito, iginiit din ng isang grupo ng anti-crime watchdog at abugado ng 3-anyos na kidnap victim ang pag-inhibit ni judge Carpio sa nasabing kaso.
Ayon kay Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) Chairman Dante Jimenez, sa ginawang pag-aapruba ni Carpio na makapagpiyansa si Roldan ay dapat umanong ma-disqualified ito sa paghawak ng nasabing kaso.
Gayundin ang sinabi ni Atty. Mario Ongkiko, abugado ng pamilya ng kidnap victim na si Kenshi Yu sa desisyon ni Carpio na dapat na mag-inhibit na siya sa nasabing kaso dahil sa ngayon pa lang ay nagpapakita na umano ito ng pagkiling. (Grace Amargo-Dela Cruz At Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest