^

Metro

Dalaga hinit-and run ng Pajero, kritikal

-
Nasa bingit ng kamatayan ang isang 26-anyos na dalaga matapos itong salpukin, makaladkad at takbuhan ng isang Pajero habang papatawid patungo sa inaaplayang trabaho kahapon ng umaga sa Pasay City. Nasa-comatose at nilalapatan ng lunas sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si Leslie Torres, ng 120 Cuneta Avenue, Pasay City. Hindi naman nakuha ang plaka ng nakabanggang Pajero. Base sa ulat , dakong alas-11:40 ng tanghali ng maganap ang insidente sa kahabaan ng Macapagal Avenue sa Pasay City. Ayon sa kapatid ng biktima na si Elmer, 24, kapit kamay sila ng kanyang kapatid na tatawid sa naturang lugar nang makabitiw sa pagkakakapit ang dalaga. Hindi nila napansin ang paparating na humaharurot na Pajero at huli na bago nakontrol ang preno dahil nasalpok na ang dalaga at nakaladkad pa ito ng ilang metro ang layo. Nabatid na tumama ang ulo ng dalaga sa semento na naging dahilan nang pagka-comatose nito. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

CUNETA AVENUE

DALAGA

DIOS HOSPITAL

LESLIE TORRES

LORDETH BONILLA

MACAPAGAL AVENUE

NABATID

PASAY CITY

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with