^

Metro

Misis, lover huli sa akto ni mister

-
Isang misis at ang kalaguyo nito ang sinampahan ng kasong adultery at concubinage sa Quezon City Prosecutors Office ng mister ng una nang maaktuhang nagtatalik, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Kapwa nakapiit sa detention cell ng Kamuning Police Station ang magkalaguyong sina Marivic Kilatis-Gabriel, 26; at si Carlo Galiasa, construction worker, 21,.

Nabatid na nahuli sa akto ni Roilan Gabriel, asawa ni Marivic ang misis at ang kalaguyo nito na nagtatalik sa loob ng barracks sa construction site na pinapasukan ni Galiasa sa Scout Tobias, Brgy. Laging Handa sa Quezon City dakong alas-2 ng madaling-araw.

Una rito, nagsumbong ang babaeng kapatid ni Marivic na si Margie kay Roilan tungkol sa pangangaliwa ng kanyang misis kaya agad na tinungo nito ang maliit na kuwarto sa construction site at dito naaktuhan ang dalawa na nagtatalik at kapwa nakahubad. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

CARLO GALIASA

KAMUNING POLICE STATION

LAGING HANDA

MARIVIC

MARIVIC KILATIS-GABRIEL

QUEZON CITY

QUEZON CITY PROSECUTORS OFFICE

ROILAN GABRIEL

SCOUT TOBIAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with