^

Metro

Metro Manila binaha

-
Lumubog sa tubig-baha ang malaking bahagi ng mga mabababang lugar sa Metro Manila, partikular sa Camanava areas sanhi ng malalakas na pag-ulang dulot ng bagyong Glenda, ayon sa National Disaster Coordinationg Center (NDCC) kahapon.

Ayon kay NDCC Executive Director ret. Major Gen. Glen Rabonza, umabot sa hanggang baywang ang tubig-baha sa Valenzuela City na nakaapekto sa may 2,600 katao.

Halos hindi na umano makagulapay sa mataas na tubig ang mga residente ng Malabon dahil sa sinasabayan pa ng high tide ang malakas na pag-ulan. Tanging mga bangka ang ginagamit na transportasyon dito dahil sa hindi na madaanan ng kahit anong uri ng mga sasakyan. Hindi lang umano ito ang kanilang problema sa kasalukuyan dahil sa halos kalahating porsiyento ang itinaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin,

Samantala nalubog din sa tubig-baha ang maraming lugar sa Maynila.

Umabot ng lagpas tuhod ang taas ng tubig sa kahabaan ng España Avenue sa may Sampaloc, Maynila kung saan nahirapang makadaan ang maliliit na sasakyan.

Tumaas din ang tubig sa Rizal Avenue partikular sa R. Papa, sa Taft Avenue partikular sa Quirino Avenue, Pedro Gil St. hanggang sa United Nations Avenue. (Joy Cantos, Rose Tamayo Tesoro at Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

EXECUTIVE DIRECTOR

GLEN RABONZA

JOY CANTOS

MAJOR GEN

MAYNILA

METRO MANILA

NATIONAL DISASTER COORDINATIONG CENTER

PEDRO GIL ST.

QUIRINO AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with