Honest cops ipantatapat sa kotong cops
July 26, 2006 | 12:00am
Upang masawata ang talamak na pangongotong ng mga tiwaling pulis, nakatakdang mag-deploy ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng mga honest cops na siyang maniniktik at aaresto sa tinaguriang kotong cops sa Metro Manila.
Ayon kay NCRPO chief director Vidal Querol na ang honest cops team ay bibigyan nila ng kapangyarihang manghuli ng mga kotong cops.
Ang mga ito ay kanilang idedeploy sa mga istratehikong lugar sa Metro Manila kung saan madalas maireport na maraming nagaganap na pangongotong.
Binanggit pa ni Querol na ang hakbang ay kasunod ng mga natatanggap nilang reklamo partikular sa mga biyahero ng gulay na kinokotongan umano ng mga tiwaling pulis.
Ang Metro Manila ang magiging pilot area ng kampanya na hahabol hindi lamang sa mga tiwali o kotongerong pulis kundi pati na rin sa mga traffic enforcer ng Metro Manila Development Authority (MMDA).
Binigyang diin naman ni PNP chief Director General Oscar Calderon na walang puwang sa PNP ang mga kotong cops na nagsisilbing batik sa kanilang hanay. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended